Sta. Lucia, Alaska target ang semis

Sino kaya sa defending champion Batang Red Bull at San Miguel Beer ang tutularan ng Sta. Lucia Realty at Alaska Aces?

Short cut ang dinaanan ng Red Bull papuntang se- mifinal round ng PBA-Samsung Commissioner’s Cup nang kanilang dispatsahin ang Shell Velocity sa kanilang quarterfinal match.

Kinailangan naman ng San Miguel na gamitin ang kanilang nakuhang twice-to-beat advantage matapos maungusan ng kanilang kapatid na kumpanyang Coca-Cola Tigers kamakalawa.

Isang panalo lamang ang kailangan ng Aces at Realtors upang maitakda ang kanilang best-of-five semifinal showdown ngunit kailangan nilang malusutan ang hamong ibibigay ng Talk ‘N Text Phone Pals at FedEx sa pagpapatuloy ng quarterfinal phase ngayon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Unang magsasagupa ang Phone Pals at Realtors sa eksaktong alas-3:45 ng hapon sa pambungad na laban, habang ang engkuwentrong Alaska at FedEx ay sisimulan naman sa dakong alas-5:45 ng hapon.

Dahil sa bentaheng twice-to-beat na taglay ng Realtors at Aces na kasama sa top four-teams--No. 2 at 3 ayon sa pagkakasunod, kailangang manalo ng dalawang beses ng Talk ‘N Text at Express para makapasok sa susunod na round.

Matapos magbayad ng pinakamalaking multang P200,000 sa kasay-sayan ng PBA dahil sa kanyang binitiwang salitang ‘San Miguel League’ sa isang post game interview inaasahang pagbubuntunan ng galit ni Phone Pals coach Bill Bayno ang Realtors.

Inaasahang pag-iibayuhin nina imports Stephen Ho-ward at Chris Clay ang kanilang performance katulong sina Marlou Aquino at Paolo Mendoza para sa ‘short cut’ na daan ng Sta. Lucia tungo sa semis match. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

Show comments