2 Pinoy pugs isasalang
August 16, 2002 | 12:00am
PYONGYANG, North Korea--Dalawa mula sa 7-kataong boksingero ng Team Philippines na naghahanda para sa Busan Asian Games sa susunod na buwan ang aakyat na sa ibabaw ng lona dito sa Pyongyang International Amateur Boxing tournament.
Dahil sa sinuwerte sa draw, agad na nakasiguro ang koponan ng awtomatikong limang bronze medals kung saan ang koponan ay pinarangalan bilang kauna-unahang Philippine delegation na magpapakita ng aksiyon sa bansang ito kung saan makikipagpalitan ng suntok si lightweight Anthony Igusquiza kontra sa North Korean Kim Yong Chul.
Hindi pa inihahayag ang schedule ng finals ng four nation, seven-team invitationals, pero nakakuha na sina lightfly Harry Tanamor, bantamweight Ferdie Gamo, featherweight Roel Laguna, light middleweight Christopher Camat at middleweight Maraon Golez ng ekstrang araw para sa kanilang pahinga upang makapaghanda sa nakatakda nilang laban sa semis.
Bukod sa RP, imbitado rin ang Asian-bound teams mula sa India at China ng Koreans na nagpadala ng dalawang koponan at tig-dalawang manlalaro sa bawat weight divisions.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended