^

PSN Palaro

Reyes tinalo ang Dutch para umusad sa semis

-
Tinalo ni Efren ‘Bata’ Reyes si Niels Feijen ng Netherlands, 7-5 noong Miyerkules at umusad sa semifinals ng 2002 International Challenge of Champions sa Connecticut, U.S.A.

Ang panalo ay nagdala sa Filipino sports idol ng dalawang tagumpay na naglapit sa titulo at $50,000 prize na ipagkakaloob ng Billiards International, Ltd., promoter ng dalawang araw na 9-ball event sa Mohegan Sun Casino na nagtampok sa piling cast ng 8 top-rated pool pros mula sa Europe, Amerika, Asia at Australia.

Makakaharap ni Reyes si Shao Lung Fang ng Chinese Taipei at sasagupain naman ni Steve Knight ng England si Mika Immonen ng Finland sa semifinals sa Huwebes (Biyernes sa Manila). Ang finals ay gaganapin makaraan ang semis.

Tinalo ni Fang si Corey Deuel ng Amerika, 7-6, ginapi ni Knight si John Younger ng Australia, 7-4 at nanaig si Immonen kontra Satoshi Kawabata ng Japan, 7-5 sa iba pang matches noong Miyerkules.

Ito ang ikalawang tournament ni Reyes sa U.S. pool circuit ngayong buwan. Noong nakaraang linggo, siya ay tumapos ng ikalima sa Peninsula 9-Ball Open sa Virginia kung saan ang kanyang ka-teammate na si Django Bustamante ang siyang nagwagi.

Mula sa Connecticut, tutungo naman si Reyes sa Nevada kasama si Bustamante para sumabak sa Las Vegas International 9-Ball tournament sa Agosto 18-23.

AMERIKA

BALL OPEN

BILLIARDS INTERNATIONAL

CHINESE TAIPEI

COREY DEUEL

DJANGO BUSTAMANTE

INTERNATIONAL CHALLENGE OF CHAMPIONS

JOHN YOUNGER

LAS VEGAS INTERNATIONAL

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with