Idedepensa ni Peñalosa ang kanyang prestihiyosong titulo sa ikaapat na pagkakataon simula ng kunin ito sa kalabang si Pone Saengmorakot ng Thailand sa pamamagitan ng 6th round technical knock-out para sa bakanteng titulo noong Mayo 27, 2000 na gina-nap sa Manila.
Nakatakdang harapin ni Peñalosa ang isa pang top contender sa katauhan ni Seiji Tanaka ng Japan.
Nabigo si Peñalosa, dating WBC Superflyweight champion na mabawi ang kanyang world title kontra Masamori Tokuyama ng Japan noong nakaraang Setyembre 24, 2001. Subalit sa darating na Nobyembre, gigil na si Peñalosa na muling mabawi ang nasabing world title kay Tokuyama.