UST, FEU malinis pa rin
August 13, 2002 | 12:00am
Nananatiling walang dungis ang Santo Tomas at Far Eastern nang kapwa nila igupo ang kani-kanilang kalaban noong Linggo sa pagpapatuloy ng 65th UAAP volleyball tournament sa University of the Philippines (UP) College of Human Kinetics gym sa Diliman.
Pinabagsak ng Santo Tomas ang Ateneo sa loob ng 44 minutos sa iskor na 25-11, 25-18, 25-28, na siyang pinakamabilis sa tournament upang iposte ang kanilang ikalimang sunod na panalo sa mens contest.
Tinularan ng Far Eastern Lady Tamaraws ang tagumpay ng UST nang kanilang silatin ang National University, 25-12, 25-13, 25-14 para sa kanilang ikalimang sunod rin na tagumpay.
Nakisosyo naman ang kasalukuyang mens champion De La Salle sa Far Eastern sa ikalawang puwesto matapos ang 25-21, 25-16, 25-21 panalo kontra sa tournament host UP.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended