Mendoza, kuminang sa Realtors
August 13, 2002 | 12:00am
Ayon kay coach Norman Black ng Sta. Lucia Realty, ang sikreto ng pagkakaroon ng isang mahusay na koponan ay hindi lamang nakadepende sa mahusay na imports, kundi kailangan din ng magagaling na local players.
At laking pasalamat na lamang ng Realtors na mayroon silang dalawang mahusay kumayod na reinforcements sa katauhan nina Stephen Howard at Chris Clay, subalit ang isa sa malaking dahilan ng kanilang tagumpay ay ang paulit-ulit na sandali na ang mga locals ang siyang nagtatrangko sa tamang oras.
Dalawang linggo na ang nakakalipas, nahirang si Marlou Aquino na Samsung- PBA Commissioners Cup Player of the Week. At ngayon, si Paolo Mendoza naman ang siyang pinagkalooban ng nasabing award mula sa PBA Press Corps para sa linggo ng Agosto 5-11 makaraan ang kanyang maningning na performance sa huling dalawang laban ng Realtors na kapwa pinagwagian ng Realtors.
Kontra sa Shell Velocity kung saan tinalo ito ng Realtors, 73-66, nanguna si Mendoza sa second half rally ng Sta. Lucia sa pagkana ng 15 mula sa kanyang 19 puntos sa nasabing yugto. Noong nakaraang linggo, humatak naman si Mendoza ng siyam na puntos, bukod pa ang pitong assists at tatlong rebounds upang tulungan ang Realtors na magwagi kontra sa San Miguel Beer, 74-65.
At bunga ng resulta ng kanilang panalo, nakatabla ang Realtors sa defending champion Batang Red Bull para sa unang puwesto dahil sa kanilang magkawangis na 7-3 record, subalit nalagay sila sa ikalawang puwesto makaraang gamitan ng quotient system.
Okey lang ito kay Black at ang mahalaga ay kanyang maipagpatuloy ang momentum na kanilang hawak patungo sa quarterfinals kung saan makakaharap nila ang Talk N Text sa Sabado at nasa panig nila ang twice-to-beat advantage kontra Phone Pals.
"Were fortunate that the locals have stepped up at the right time to help our imports out. Marlou wants to prove something in this conference. And Paolo has been very steady not only as a scorer but rather as a good point guard, too," pahayag pa ni Black.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended