^

PSN Palaro

Dolphins lusot sa Altas

-
Hindi naging malaking kawalan sa Philippine Christian University ang pagkawala ng lima nilang manlalaro at sa halip naging inspirado pa ang Dolphins at kanilang pinayukod ang University of Perpetual Help Rizal, 72-70 sa pagpapatuloy kahapon ng 78th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Ipinakita nina Bernzon Franco at Joseph Roque ang pagkakaroon nila ng karanasan sa paglalaro sa PBL nang humatak ng 22 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod upang tabunan ang pagkakasuspindi nina Alwyn Ilagan, Rob Sanz, Nelson Gatdula, Leo Gaspi at Al Dais matapos na masangkot sa isang rambol sa huli nilang laban kontra sa San Beda noong isang linggo.

Si Roque ang naging malaking susi sa ikaanim na tagumpay ng Dolphins sa walong laro nang ipuwersa niya si Loreto Soriano na gumawa ng dalawang magkasunod na turnovers sa huling minuto ng sagupaan na sinabayan pa niya ng paghugot ng foul mula kay Mark Aseron na naghatid sa kanya sa charity lane upang ilagay sa kampanteng katayuan ang PCU.

Ito ang kauna-unahang panalo ng Dolphins matapos ang kanilang masaklap na pagkatalo sa pamamagitan ng forfeiture dahil sa nasabing kaguluhan upang ipalasap sa Altas ang kanilang ikawalong kabiguan sa siyam na laro.

Nagkaroon ng tsansa ang Altas na maagaw ang panalo sa huling 11 segundo, subalit pumaltos ang triples ni Aseron na siyang tuluyang kumitil sa pag-asa ng UPHR.

Humatak rin si Bernzon ng 13 rebounds at apat na assists upang ihatid ang Dolphins sa kanilang ikapitong tagumpay sa siyam na laro.

Mula sa 61-all, pinangunahan ni Roque ang 10-2 atake na tinampukan ng triples upang ilayo ang kalamangan ng Dolphins sa 71-63, subalit muli na namang nakalapit ang Altas sa 70-71 sa huling 33 segundo ng laro.

Naging malaking kawalan sa Altas ang di pag-lalaro nina Ferdinand Ali-Ali na nagkaroon ng lagnat, Bryan Faundo na nagkaroon naman ng sprained sa kaliwang bukung-bukong at James Quiazon na may bum knee.

Magpapatuloy ang pagsuspindi kina Ilagan, Sanz at Gatdula kung saan sila ay pinatawan ng three-game suspension ng board. (Ulat ni Maribeth Repizo)

AL DAIS

ALTAS

ALWYN ILAGAN

BERNZON FRANCO

BRYAN FAUNDO

FERDINAND ALI-ALI

JAMES QUIAZON

JOSEPH ROQUE

LEO GASPI

LORETO SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with