Bustamante, kampeon sa Virginia tourney
August 13, 2002 | 12:00am
Ipinagpatuloy ni Francisco Django Bustamante ang kanyang matagumpay na performance sa international pro billiard circuit maka-raang magwagi sa Coliseum Mall Peninsula 9-Ball Open Championship sa Hampton, Virginia, U.S.A. noong Linggo.
Tinanggalan ng korona ni Bustamante si Johnny Archer ng Amerika, 15-10 sa finals ng star-studded tournament upang mapagwagian ang titulo at $10,000 first prize. Tumanggap naman si Archer ng $5,000 second prize.
Kabilang sa mga naging biktima ni Bustamante upang makarating sa finals ay sina Nick Schulman, Frankie Hernandez, Tony Robles at Nells Feijen. At sa semifinals, ginapi ni Bustamante ang kalabang si Jimmy Wetch.
Ang panalong ito ni Bustamante ay agad niyang itinawag sa kanyang sponsor na si Aristeo Putch Puyat at nagpapasalamat siya sa Philippine Olympic Committee sa pagkakapili sa kanya bilang standard bearer ng RP delegation sa nalalapit na Asian Games sa Korea. Ayon sa kanya, ikinararangal niya ang pagkakahirang sa kanya at tatalikuran niya ang paglahok sa prestihiyosong U.S. Open ngayong Setyembre upang makapaglaro para sa bansa sa quadrennial meet.
Kabilang sa mga sumabak sa Peninsula Open ay sina Efren Bata Reyes, Amerikanong si Earl Strickland at Corey Deuel at Mika Immonen ng Finland, na gaya ni Reyes ay dati ring world pool champion.
Tumapos si Reyes ng ikalimang puwesto makaraang malasap ang 12-15 pagkatalo sa mga kamay ni Archer sa quarterfinals, pero ginapi muna niya si Strickland, 15-8 sa second round at pinatalsik ang sumpunging Amerikano sa single elimination.
Ang tagumpay ni Reyes kay Strickland ay napakatamis na paghihiganti para sa kanyang matalik na kaibigang si Bustamante na nabigo sa huli sa finals ng 2002 World Pool Championship sa Cardiff noong nakaraang buwan.
Ang Peninsula Open ang ikaapat na titulo ni Bustamante ngayong taon. Ang iba ay kinabibilangan ng Japan Open sa Tokyo, IBC World Tour sa Munich, Germany at Motolite International 9-Ball Challenge sa Araneta Coliseum.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended