Bagamat di nakasali si Espiritu sa FedEx Tour dahil sa kanyang training sa militar, ito ay nasa kundisyon at handang pangunahan ang RP team na palalakasin rin ng mga beteranong sina Enrique Domingo, Merculio Ramos, Emilio Atilano at Villamor Baluyut.
Subalit kailangang ibuhos ng nationals na umalis na kahapon ng hapon patungong Kuala Lumpur ang lahat ng kanilang lakas upang matapatan ang mahuhusay na riders ng Asia gaya nina Wong Kam Po ng Hong Kong at Commonwealth Games silver medalist Nor Effandy Rosly ng Malasyia.
Kinukunsidera ng No. 1 rider ng bansa na ang powerhouse Team KL ang kanilang mahigpit na magiging karibal dahil sa selection ng Asias best riders. Kabilang si Nor Effandy sa malalaking pangalan ng Team KL lineup na kinabibilangan din nina Tsen Seong Hoong, two-time Le Tour de Langkawi Asian category winner Wong Wong Ah Thiam, Musairi Musa at Lee Robert.
Ang nasabing karera ay inorganisa ng local event company Clear Mission Sdn., Bhd., na may alok na total prize money na $52,000.
May kabuuang 20 teams na may tig-anim na riders kada koponan ang inaasahang magpapakita ng aksiyon sa Gamuda Tour na gaganapin sa ibat ibang bahagi ng Langkawi.