^

PSN Palaro

Maroons sinorpresa ng Falcons

-
Isa na namang malaking sorpresa ang ginawa ng Adamson Falcons nang kanilang silatin ang host University of the Philippines, 61-59 kahapon sa pagtiklop ng first round elimination ng 65th UAAP senior’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Nagpakitang gilas ang rookie na si Patrick Tiongco, hinugot ng Falcons mula sa Mapua Cardinals nang umiskor ito ng dalawang triples sa huling 55 segundo ng labanan upang ihatid ang Adamson sa pakikipagtabla sa ikalimang puwesto sa Maroons bunga ng kanilang magkawangis na 3-4 win-loss slates.

"Patrick is like that. He misses some but he can make the big shots with the game on the line," pahayag ni Falcons coach Luigi Trillo patungkol sa magandang ipinakitang performance ni Tiongco.

Ang dalawang triples ni Tiongco ang pumigil sa pangunguna ng Maroons nang kanilang agawin ang pangunguna sa 57-52 patungong huling dalawang minuto ng laro.

Nagkaroon sana ang Fighting Maroons ng pagkakataon na maagaw ang panalo sa krusiyal na huling minuto ng laro, subalit dahil sa ma-higpit na depensa ni Mark Abadia, nakawala sa mga kamay ni Michael Bravo ang bola na siyang sinamantala ni Tiongco.

Hindi naasahan ng Maroons ang serbisyo ng kanilang kamador na si Abe Santos na hindi nakalaro dahil sa pagkakaratay sa banig ng ka-ramdaman.

Nauna rito, pinayukod naman ng UPIS ang National University, 74-61 sa junior games.

Tumapos sina Christopher Villanueva at Jacob Manlapaz ng tig-17 puntos upang pangunahan ang UPIS sa kanilang panalo. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ABE SANTOS

ADAMSON FALCONS

CHRISTOPHER VILLANUEVA

FIGHTING MAROONS

JACOB MANLAPAZ

LUIGI TRILLO

MAPUA CARDINALS

MARIBETH REPIZO

MARK ABADIA

TIONGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with