Silver medal tinalon ni Bulauitan-Gabito
August 12, 2002 | 12:00am
COLOMBO, Sri Lanka -- Ibinigay nina Lerma Bulauitan-Gabito at Marestella Torres ang 2-3 pagtatapos sa womens long jump noong Sabado upang tagpasin ang pagkauhaw ng bansa sa medalya sa Asian Athletic Championships.
Ang silver ni Gabito ang siyang pinakamagandang performance ng bansa sa nakalipas na 17-taon, habang ang bronze naman ni Torres ang nagtabla sa produksiyon ni Elma Muros-Posadas noong 1993 Manila edisyon ng nasabing event na ginanap sa Sugathadasa Stadium dito sa kauna-unahang pagkakataon.
Ang dalawa ay kapwa nagtala ng 6.40 metro, subalit si Gabito ang siyang sumungkit ng ikalawang puwesto sa likod ni Kazakhstans Kocksheyeva Yolena (6.61M) dahil sa mas maganda niyang talon sa ikalawang pagtatangka.
Nilinis ng 27-anyos na si Gabito, tubong Penablanca, Cagayan ang bar sa 6.34m laban sa 6.25m ng 21-anyos na si Torres, isang FEU physical education senior mula sa San Jose Occidental Mindoro.
Nananatili pa rin sa kontensiyon para sa medalya sina Joebert Delicano at John Lozada.
Tumapos ang 22-anyos na si Delicano ng 7.64m sa mens long jump na bahagya lamang na nagmintis para tapatan ang national mark ni Nino Ramirez na 7.65m na hanggang ngayon ay sinisikap pa ring tibagin ng 12 qualifiers.
Inireserba naman ni Lozada ang kanyang lakas sa 800m semis kung saan nakuntento lamang siya sa third place sa heat 4 na may oras na 1:52.56.
Nadismaya naman si Ernie Candelario ng false start kung saan agad siyang tumakbo ng 120 metro bago siya huminto upang tumapos ng huli sa mens 400m na pinagwagian naman ni Kuwaits Aishammari Fawzi sa tiyempong 45:21 segundos.
Ang iba pang Filipinos na magpapakita ng aksiyon sa penultimate day ng nasabing competitions ay sina Fidel Gallenero sa mens decathlon (100m, long jump, shot put, high jump 400m), Geralyn Amandoron (ja-velin throw), Delicano (triple jump), Lozada (800m semis) at Dandy Gallenero (mens javelin throw).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended