No.2 slot nakuha ng Sta. Lucia
August 12, 2002 | 12:00am
Sinelyuhan ng Sta. Lucia Realty ang No. 2 spot sa pamamagitan ng 74-65 panalo kontra San Miguel Beer sa pagsasara ng elimination round ng PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum kagabi.
Eskplosibong 14-6 bomba ang pinasabog ng Sta. Lucia sa pagtutu-lungan nina Chris Clay, Marlou Aquino at Paulo Mendoza ang ginawang tulay ng Realtors sa paglaglag sa Beermen sa ikatlong puwesto sa huling 3:56 oras ng laban.
Mula sa 60-55 pangunguna ng Realtors, nagawang manakot ng Beer-men sa pangunguna nina Dorian Peña at Shea Seals nang maghatag ng apat na puntos upang makalapit sa isang puntos na lamang, 59-60, may 4:13 ang nalalabi sa final canto.
Ngunit hindi naman nagpahuli ang Realtors at agad ding sumagot sina Clay at Aquino para ilagay ang kanilang koponan sa kampanteng 64-59 kalamangan na hindi na nagawa pang lingunin ng Beermen.
Nauna rito, pinigil ng Talk N Text ang Alaska Aces ma makalapit sa top 4 nang kanila itong gapiin sa iskor na 80-76.
Ang panalo ng Phone Pals ang naglagay sa kanila para makaharap ang Realtors sa quarterfinals phase.
Sa iba pang quarterfinals match, makakaharap ng defending champion Batang Red Bull ang Shell Velocity, titipanin naman ng San Miguel ang FedEx Express, habang magtutunggali ang Alaska at Coca-Cola. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended