Tinapos ng Kings ang kanilang kampanya sa dalawang panalo at walong talo makaraan ang 10-pakikipaglaban, habang kinubra naman ng Express ang kanilang ikaanim na panalo kontra sa apat na kabiguan sa 10-laro upang patatagin ang kanilang kapit sa No. 6 spot sa quarterfinal phase.
Dahil sa sibak na sa kontensiyon, hindi gaanong binigyan ng Kings ng mahigpit na laban ang Express at nagtampisaw ito sa opensa ng itarak nila ang pinakamalaking 24 puntos na kalamangan, 65-41 papasok ng third period.
Sinikap ng Ginebra na makalapit nang pagtu-ungan nina Mark Ca-guioa, Isaac Spencer ang 7-0 salvo upang makalapit sa 68-52, pero mabilis na sumagot sina Ren Ren Ritualo at Walker ng 5-0 atake para muling palobohin ang kanilang bentahe sa 73-52.
Mula dito, hindi na gaanong nakipagsabayan ang Express at nag-palitan na lamang sila ng opensa kung saan sa huling dalawang minuto ng laro, malaki pa rin ang abante ng Express, 83-62, ipinahinga na ng tuluyan ni coach Derek Pumaren ang dalawa niyang reinforcement at ipinaubaya na lamang sa mga Pinoy ang laban.
Nauna rito, binigo ng talsik na sa kontensiyong Purefoods TJ Hotdogs ang Shell Velocity, 79-75 upang maging maganda ang kanilang pamamaalam.
Samantala, haharapin naman ngayon ng Talk N Text ang Alaska Aces sa alas-3:45 ng hapon, bago magsasagupa ang Sta. Lucia Realty at San Miguel Beer sa alas-5:45 ng gabi. (Ulat ni Maribeth Repizo)