Kabilang sa sporting events na inorganisa ng council sa kooperasyon ng Naga City Government ang dalawang araw na amateur boxing event na tinaguriang Bakbakan sa Danlugan Part 3, ang kilalang boat racing competition Regatta ng Naga na pangangasiwaan ng Regatta Association of Bicol, Inc., Cheering, Taekwondo at Kids Olympics.
Ang iba pang festival events ay ang Peñafrancia Trade Fair Product Exhibits and Cooking Demonstration, The Marikina Shoe Fair at ang International Sporting Goods Show and Trade Fair na may 24 international sporting goods companies ang lalahok.
Sisimulan ang nasabing events sa Sept. 13 hanggang Sept. 24 at ang lugar ng makulay na aktibidades ay ang Peñafrancia Landing Arch Area at Dinaga Riverside at ang ground floor ng bagong gawang Aristocrat International Plaza Hotel na matatagpuan din sa nasabing venue, ayon pa kay Lee.
Inaasahang dadalo ang ilang showbiz at political personalities sa opening at closing ng nasabing individual events. Bubuksan naman ni Mayor Marides Fernando ng Marikina ang shoe fair, habang ang mga kinatawan mula sa ibat ibang bansa ang siyang dadalo sa opening ng international sporting goods exhibit.