^

PSN Palaro

'Bakbakan sa Danlugan Part 3'

-
Ilang serye ng sporting events at trade festival activities ang highlight sa selebrasyon ng Naga City Sports Council ng annual Peñafrancia Fiesta ngayong taon, ito ang ipinahayag ni Pedro Lee, overall chairman ng council.

Kabilang sa sporting events na inorganisa ng council sa kooperasyon ng Naga City Government ang dalawang araw na amateur boxing event na tinaguriang ‘Bakbakan sa Danlugan Part 3,’ ang kilalang boat racing competition Regatta ng Naga na pangangasiwaan ng Regatta Association of Bicol, Inc., Cheering, Taekwondo at Kids’ Olympics.

Ang iba pang festival events ay ang Peñafrancia Trade Fair Product Exhibits and Cooking Demonstration, The Marikina Shoe Fair at ang International Sporting Goods Show and Trade Fair na may 24 international sporting goods companies ang lalahok.

Sisimulan ang nasabing events sa Sept. 13 hanggang Sept. 24 at ang lugar ng makulay na aktibidades ay ang Peñafrancia Landing Arch Area at Dinaga Riverside at ang ground floor ng bagong gawang Aristocrat International Plaza Hotel na matatagpuan din sa nasabing venue, ayon pa kay Lee.

Inaasahang dadalo ang ilang showbiz at political personalities sa opening at closing ng nasabing individual events. Bubuksan naman ni Mayor Marides Fernando ng Marikina ang shoe fair, habang ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa ang siyang dadalo sa opening ng international sporting goods exhibit.

ARISTOCRAT INTERNATIONAL PLAZA HOTEL

DANLUGAN PART

DINAGA RIVERSIDE

INTERNATIONAL SPORTING GOODS SHOW AND TRADE FAIR

LANDING ARCH AREA

MARIKINA SHOE FAIR

MAYOR MARIDES FERNANDO

NAGA CITY GOVERNMENT

NAGA CITY SPORTS COUNCIL

PEDRO LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with