^

PSN Palaro

Ikatlong depensa ni Pacquiao sa Davao City

-
Handang-handa na si International Boxing Federation (IBF) superbantamweight champion Manny Pacquiao sa kanyang ikatlong pagdedepensa ng iniingatang korona.

Nakatakda ang 12-round title bout pagkatapos ng Asian Games sa Oktubre 19 kontra Thai Challenger Fahprakob Rakkiat-Gym sa Davao City.

Nauna rito, orihinal na itinakda ang nasabing laban sa Oct. 12, dahil sa kasalukuyan pa ring idinadaos ang Asiad sa Busan, South Korea, minabuti itong ikansela ng organizers.

Ito ang ikatlong pagkakataong aakyat sa ibabaw ng lona si Pacquiao, tubong Kidapawan, South Cotabato. Unang lumaban ang Pinoy champ sa isang 10-round fight kontra sa Australyanong si Todd Makelin na kanyang pinabagsak sa 3rd round sa pamamagitan ng TKO noong Pebrero 1999 at ang ikalawa ay nitong Abril ng nakaraang taon nang kanyang talunin naman ang Thais na si Wethya Sakmuangklang upang mapanatiling hawak ang korona ng WBC International title.

Naisaayos ang naturang laban sa pagsisikap ng promoter na si North Cotabato Governor Manny Piñol kung saan kanyang inalok si Pacquiao ng P8 milyong premyo.

ASIAN GAMES

DAVAO CITY

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

NORTH COTABATO GOVERNOR MANNY PI

PACQUIAO

SOUTH COTABATO

SOUTH KOREA

THAI CHALLENGER FAHPRAKOB RAKKIAT-GYM

TODD MAKELIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with