Pinagtulungan ng rookie na sina Lino Tabi-que Jr., at Michael Bravo na iangat ang Fighting Maroons nang kanilang pamunuan ang opensiba ng Diliman-based dribblers sa huling 4:31 minuto ng final canto kung saan pumukol ng tres ang una upang ihatid ito sa kanilang ikatlong panalo matapos ang anim na pakikipaglaban.
Mula sa 61-52 pangunguna sa pagbubukas ng fourth period, lumuwag ang depensa ng Fighting Maroons na naging daan upang makapagbaba ang Bulldogs ng 6-1 bomba upang paliitin ang kanilang abante sa 62-58.
At sa pagkakataong ito, lumabas ang tunay na pulso ni Tabique nang pumukol siya ng isa pang tres upang tagpasin ang pag-atake ng Bulldogs at ipalasap dito ang kanilang ikaanim na dikit na kabiguan sa ganoon ding bilang ng laro.
Pero nananatiling nanakot ang Bulldogs nang sumagot si Froilan Ba-guion ng triples upang dumikit sa tatlong puntos na lamang, 66-69.
Ngunit hindi natibag sa kanilang determinasyon ang UP at isang mainit na 7-0 salvo na tinampukan ng apat na puntos ni Bravo ang siyang muling naglagay sa Fighting Maroons sa 10 puntos na kalamangan, 76-66.
Muntik ng mauwi sa fist-fight ang sagupaan ng Bulldogs at Fighting Maroons sa huling 22 segundo nang sikuhin sa ulo ni Baguion si Tabique na hindi nakita ng mga referees, mabuti na lamang naging maagap ang iba pa nilang mga kakampi at napigil ang sanay paghaharap ng dalawa. (Ulat ni Maribeth Repizo)