^

PSN Palaro

CSB Blazers tumindi ang kapit

-
Humataw si Sunday Salvacion ng 18-puntos, lima nito ay mula sa third canto upang trangkuhan ang College of St. Benilde sa 70-60 panalo upang higit pang patatagin ang kanilang kapit sa solong liderato sa pag-ikot ng second round elimination ng 78th NCAA men’s basketball tournament sa Makati Coliseum kahapon.

Ang tagumpay ng Blazers ay tumabon sa kanilang kaisa-isang kabi-guan na natamo mula sa mga kamay ng Philippine Christian University, 72-80 sa pagsasara ng kanilang asignatura sa first round na naglapit sa kanilang kampanya para sa titulo sanhi ng ikapitong panalo.

Taliwas naman sa Altas, ang pagkatalo ay lalo pang nagbaon sa kanila sa hukay matapos na malasap ang ikapitong talo sa walong pakikipaglaban.

Pinasimulan ni Salvacion ang pag-alagwa ng Blazers sa third period nang magsalpak ng jumper bago sinundan ng triples upang ilagay ang kanyang koponan sa kampanteng katayuan.

Lalo pang naging mabangis ang Blazers sa pagsapit ng final canto nang kanilang itarak ang 21 puntos na kalamangan, 64-43 nang tumapyas si Alex Magpayo ng 15 puntos matapos pangunahan ang 10-0 run ng Taft-based dribblers bukod pa ang limang rebounds, tatlong steals at dalawang assists.

Ngunit sa pagkakataong ito tila nanlamig ang Blazers na sinamantala naman ng Altas upang makalapit sa 55-64, may 1:56 na lamang ang nalalabi sa oras.

Huling nagbanta ang Altas sa 57-66, 1:39 ang oras, pero agad ding nakabalik ang composure ng Blazers nang pagtulungan nina Unik Capati at Ronald Capati ang 5-2 rally upang muling ilayo ang kanilang abante sa 13 puntos, 70-57, 1:22 na lamang sa tikada.

Sa juniors game, binugbog ng kanilang junior counterpart ang Alta-lletes, 145-57, habang nanaig ang San Beda Red Cubs sa PCU Baby Dolphins, 101-76.

vuukle comment

ALEX MAGPAYO

ALTAS

BABY DOLPHINS

COLLEGE OF ST. BENILDE

KANILANG

MAKATI COLISEUM

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RONALD CAPATI

SAN BEDA RED CUBS

SUNDAY SALVACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with