^

PSN Palaro

Altas pinasabog ng Bombers

-
Pumutok sa triple area ang Jose Rizal University sa pivotal stretch upang pasadsarin ang University of Perpetual Help-Rizal, 84-76 sa 76th NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Pinangunahan ni Marco Paulo Fajardo ang paghahasik ng Heavy Bombers sa tres sa kanyang four-of-six three point shooting para sa kanyang tinapos na 26 puntos na produksiyon.

Tinapos ng Jose Rizal ang kanilang kampanya sa unang round sa pamamagitan ng kanilang ika-apat na panalo sa pitong laro na nagpahigpit ng kanilang kapit sa ikaapat na puwesto.

Isang 20-9 salvo ang pinakawalan ng Bombers kung saan may dalawang tres si Fajardo at tig-isa sina Winsjohn Te at Joel Villarin upang ihatid ang JRU sa 79-68 pangu-nguna, patungong huling 2:59 oras ng labanan.

Nagbanta pa ang Altas nang sila ay makalapit sa 75-79, 44 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro, ngunit naging kampante naman si Joel Finuliar sa free throw area sa kanyang 5-6 shooting upang masiguro ang panalo ng Bombers.

Sa unang seniors game, ipinalasap ng MIT ang ikapitong sunod na kabiguan sa host San Beda College upang iangat ang kanilang record sa 3-4 panalo-talo papasok sa susunod na round.

HEAVY BOMBERS

JOEL FINULIAR

JOEL VILLARIN

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MARCO PAULO FAJARDO

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN BEDA COLLEGE

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP-RIZAL

WINSJOHN TE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with