Malinis na record itataya ng DLSU
August 6, 2002 | 12:00am
Ikaanim na sunod na panalo ang inaasinta ngayon ng defending champion De La Salle University sa kanilang nakatakdang pakikipagharap sa Adamson University sa pagpapatuloy ng UAAP mens basketball tournament.
Itataya ng Archers ang kanilang malinis na katayuan sa kanilang pakikipagsagupa sa Adamson Falcons sa ikalawang laro sa ganap na alas-2 ng hapon sa Makati Coliseum.
Nakolekta ng La Salle ang kanilang ikalimang sunod na panalo nang kanilang hugutin ang 71-67 panalo kontra sa University of the Philippines noong Huwebes.
Kinakailangan rumesponde ngayon sina Mike Cortez, Willy Wilson, ang Rookie of the Year noong nakaraang taon na si Mark Cardona kasama sina Manny Ramos, Adonis Sta. Maria at Carlo Sharma upang manatiling malinis ang katayuan ng Archers.
Kailangang pagtuunan naman ng depensa ng La Salle ang key players ng Falcons na sina Melvin Mamaclay, Ramil Tagupa, Patrick Tiongco at Edilberto Mangulabnan para makaiwas sa isang upset.
Katabla ng Falcons sa 2-3 record ang UP Maroons sa likuran ng University of the East, Ateneo de Manila University at University of Santo Tomas na pare-parehong may 4-2 kartada.
Sa unang laro, magsasagupa naman ang La Salle Greenhills at Adamson Baby Falcons sa eksaktong alas-12 ng tanghali para sa juniors divisions.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended