FedEX lalapit sa top four
August 6, 2002 | 12:00am
Matapos makumpleto ang cast ng quarterfinals, ang pinaglalabanan na lamang ngayon ay ang tatlong twice-to-beat ticket at ang placings patungo sa susunod na round ng Samsung-PBA Commissioners Cup.
Ito ang pagtatrabahuhan ngayon ng FedEx Express sa kanilang nakatakdang pakikipagharap sa kampante nang defending champion Batang Red Bull sa nag-iisang laro ngayon sa PhilSports Arena sa ganap na alas-7 ng gabi.
Kasalukuyang nagtataglay ng 4-4 panalo-talo ang Express at ang kanilang tagumpay ngayon ang maglalapit sa kanila sa top four na bibigyan ng twice-to-beat advantage patungong quarterfinal phase kung saan ang pairings ay no. 1 vs no. 8, no. 2 kontra no. 7, no. 3 vs no. 6, no. 4 laban sa no. 5.
Kailangang ipanalo ng FedEx ang kanilang laban ngayon at ang huling asignatura laban sa Barangay Ginebra sa Sabado upang makasama sa upper bracket na mangangailangan lamang ng isang panalo para makausad sa semifinal round.
Ang lower bracket ay obligadong talunin ang kanilang kalaban ng dalawang beses para makapasok sa best-of-five semifinal series.
Wala nang dapat pang alalahanin ang Thunder dahil wala nang bearing ang larong ito maliban sa pagpapaganda ng kanilang tinitingalang standings.
Sa taglay na 7-2 kartada, sigurado na ang Red Bull sa twice-to-beat ticket, gayundin sa no. 1 spot dahil kahit sino ang kanilang makakatabla sa San Miguel Beer, Alaska Aces at Sta. Lucia Realty ay mas mataas ang kanilang quotient.
Ang SMBeer, Aces at Realtors ay pare-parehong nag-iingat ng 6-3 win-loss slate kasunod ang Coca-Cola Tigers na may 5-4 karta.
Siguradong muling pangungunahan nina imports Frantz Pierre-Louis at Jermaine Walker ang FedEx upang masundan ang kanilang nakaraang panalo kontra sa Sta. Lucia Realty.
Hangad naman ng Thunder na makabawi sa kanilang 84-91 kabiguan kontra sa Purefoods TJ Hotdogs noong Sabado sanhi na rin ng di inaasahang serbisyo ni Tony Lang sa second half bunga ng back injury at kung sinusumpong pa rin ito ay malaking responsibilidad ang nakaatang kay Julius Nwosu.
Matapos ang tagumpay ng Alaska kontra sa RP-Selecta noong Linggo, napagsaraduhan ng pinto sa susunod na round ang Nationals, Purefoods at Ginebra.(Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended