Quarterfinals cast buo na
August 5, 2002 | 12:00am
Kinumpleto ng Alaska Aces ang cast ng 8-team quarterfinal round nang kanilang pagsaraduhan ng pinto sa susunod na round ang RP Team-Selecta, 84-59 sa PBA Samsung Commissioners Cup sa Araneta Coliseum kahapon.
Kumawala sa ikalawang quarter ang Aces habang tuluyan namang nanghina ang Nationals sa second half na siyang naging daan sa ikaanim na panalo ng Alaska sa 9-pakikipaglaban na naglapit sa kanila sa twice-to-beat advantage na ipinagkakaloob sa top-four teams.
Ang pagkatalong ito ng RP-Selecta ay ikaanim sa siyam na pakikipag-laban ang naging hudyat ng kanilang maagang pagbabakasyon mula sa torneong ito na magbibigay sa kanila ng pagkakataong mag-concentrate sa kanilang preparasyon para sa Asian Games na gaganapin sa Setyembre sa Busan, South Korea.
Sa pangunguna ni Ajani Williams na umiskor ng 12 sa kanyang tinapos na 24-puntos sa unang canto, humarurot ang Aces sa 45-38 pangunguna sa pagsapit ng first half.
Hindi nagkaroon ng pagkakataong bumawi ang RP-Team sa second half nang silay malimitahan sa 12 at 9-puntos sa ikatlo at ikaapat na quarter, ayon sa pagkakasunod.
Bunga nito, nalibre sa pagsulong sa quarterfinal round ang FedEx Express, Shell Velocity at Talk N Text kung saan nauna nang nakapag-reserba ng puwesto ang Sta. Lucia Realty, Alaska, San Miguel Beer at defending champion Batang Red Bull na tanging koponan pa lamang na may twice-to-beat ticket. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended