Pumukol si Jarencio ng 34 puntos upang pamunuan ang pananalasa ng Hartmans sa second half sa torneong ito na sponsored ng Spring Margarine, Morning Star Tours and Travel, Red Bull, Purefoods, FedEx, SMB, Coca-Cola, Ginebra San Miguel, Sta. Lucia, Shell, Talk N Text at Alaska na suportado ng Milo at Adidas.
Binigo naman ng tropa ni Mayor Peewee Trinidad ng Pasay ang debut ng Wangs Ball Club, 67-64 sa isa pang laro.
Ang aksiyon ay muling magpapatuloy bukas kung saan haharapin ng Builders ang Wangs sa alas-6 ng gabi sa Lyceum gym.