Walang luha si Romel
August 4, 2002 | 12:00am
Tanggap na ni Romel Adducul ang kanyang naging kapalaran sa Metropolitan Basketball Association.
Bagamat napakatayog ng mga pangako sa kanya, at tila walang hanggan ang kanyang mararating nang magsimula ang liga noong 1998, lahat ng iyon ay naabo.
Isa si Adducul sa mga matatapang na sumali sa Jones Cup sa Taiwan. Bagamat sampung araw lamang silang nag-ensayot nawala pa sa MBA si Chris Clay, nakatapos pa ng panlima ang grupo. Laking gulat nila nang bumalik sila sa Pilipinas at malamang wala na raw MBA.
"Hindi naman sa nagalit kami," bungad ni Adducul sa SCOOP sa Kamayan noong Biyernes. "Pero nagtampo kami, dahil hindi man lang kami sinabihan. Ni walang miting para sabihin sa amin kung ano ang nangyari. Basta wala na lang daw MBA."
Nawala rin ang ilan sa mga maaari nilang lapitan sa Pangasinan Waves. Umatras diumano ang sponsor ng team na Osaka, kayat ngayon, ang mga player ay nakikipag-usap na lamang sa coach nilang si Lawrence Chongson.
Ayon kay Adducul, gusto lamang nilang malaman kung kailan sila mababayaran sa mga suweldo nilang natigil noon pang Abril. May mga narinig na siyang pangako, pero maniniwala lang daw siya kapag nasa kamay na niya ang salapi.
"Ang gusto lang naman namin ay mabayaran kami para sa mga buwang naglaro kami," dugtong niya. "Sabi ng iba, hanggang June daw ang babayaran sa amin. Pero kaming mga naglaro sa Jones Cup, dapat hanggang July.
Yun lang naman ang gusto namin, dahil pinaghirapan naman namin yun, eh."
Nang tanungin si Adducul kung masama ang loob niya dahil, una sa lahat, pinigilan siya ng MBA na makapasok sa PBA Draft noong Enero, diplomatiko ang kanyang naging sagot.
"Masakit talaga yung nangyari sa akin. Pero tanggap ko na baka may ibang plano para sa akin si God. Minsan, nangyayari talaga iyan sa buhay natin."
Noong hindi ako nakapasok sa PBA, inisip ko na lang na baka may ibang balak para sa akin si God. Ganoon din ang iniisip ko ngayon. Tanggap ko na yung nangyari."
Nang mabalitaan niyang may ibang manlalarong nagbabalak maghain ng demanda laban sa MBA, sinabi ni Adducul na hindi rin iyon maganda para sa mga player na apektado.
"Para sa akin, hindi rin maganda yun para sa player. Pero inaalala ko rin sila. Di bale na ako.
Maraming player diyan ang may pamilya. Sila ang iniisip ko. Mahirap yung nangyari sa kanila."
Sa ngayon, tinatapos ni Adducul ang kanyang pag-aaral sa San Sebastian College. Balak niyang tumuloy na sa PBA sa 2003. Pansamantala, kasama siya sa Philippine team na tutulak patungong Hong Kong bukas para sa isang invitational tournament.
Makakasama niya ang nabakante ring si Marc Pingris ng Cebuana Lhuillier Gems.
"Mga bandang October, makikipagpraktis na ako sa mga PBA team, para masanay ako sa laro sa PBA. Tuloy-tuloy na ito."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended