Hindi hinayaan ng Guam na maagaw sa kanila ang korona nang mula sa huling inning, isang malaking pag-ahon ang kanilang ginawa na naging daan upang pigilan ang Saipan sa kanilang panalo.
Abante ang Guam sa 2-1, kumana ang unang batter ng Saipan na si Shane Yamada ng home-run upang itabla ang iskor sa 2-all.
Ang dalawang sumunod na batters na sina Jesus Borja at Yashua Ariola ay kapwa na-patse para sa dalawang out.
Sa sumunod na play, humataw si Vince Zablan ng single at ninakaw ang second at third base ng magkasunod upang makarating sa scoring posisyon.
Pagpalo ng sumunod na batter na si Mariano Lisua, ang bola ay gumulong patungong center-field at nagbigay daan kay Zablan para makarating sa homeplate.
Dahil dito, nagsimulang magtakbuhan ang lahat sa field at nagyaka-pan bilang pagdiriwang sa kanilang panalo kasama ang mga coaches ng Saipan.
Bunga ng pangyayaring ito, hindi na tumuloy si Lisua sa first base at sa halip ay bumalik upang makisaya sa mga nagdiriwang.
At dito nakakita ng pagkakataon ang Guam pitcher na si Hosea Ware na hawak pa ang bola ay biglang tumakbo at tinapalan ang first base bilang appeal play.
Dahil dito, tinawagan ng umpire si Lisua na out at ang run ni Zablan ay nabura, ayon na rin sa rules ng baseball.
Sa halip na panalo na ang Saipan dahil tapos na ang laro, nagkaroon tuloy ng extra inning na siyang naging mitsa ng Guam sa kanilang pagbangon.