Ayon kay Cheese Balls-Shark owner Raul Panlilio na ipupursige nila ang kampanya ng kanilang koponan na mapanatili ang korona sa ikatlong sunod na taon sa ilalim ng bagong guro na si Jing Ruiz.
Taliwas sa mga kumalat na tsismis na ang koponan ay magdi-disbanda na sa kalagitnaan ng 2002 PBL Chairmans Cup noong Pebrero.
"We just cant let a good team go. Were just happy that Regent Foods Corporation joined us in this endeavor, believing in the teams strong chances for the PBL crown," wika ni Panlilio.
Sisimulan na ng koponan ang kanilang rebuilding para sa susunod na kumperensiya kung saan mananatili sa lineup- sina Rysal Castro, Warren Ybañez at Irvin Sotto, subalit may plano si Ruiz na haluan ang kanyang koponan ng mga mahuhusay na ex-pros mula sa MBA at mga batang talento mula naman sa NCAA at UAAP.
Sa kabila ng muling pagbabalik ng Welcoat at ang kampanyang mapanatili ng Shark ang kanilang titulo, sinabi ni PBL Deputy Commissioner Tommy Ong na lilimitahan lamang nila ang bilang ng mga koponang kalahok sa 10 lamang upang hindi masagasaan ang schedules ng ibang liga kung saan may plano rin silang magsagawa ng regional games sa Cebu at North Luzon. Pero depende ito sa budget.