^

PSN Palaro

Shark kasali pa rin sa PBL bilang Cheese Balls-Shark

-
Mananatili ang two-time PBL champion Shark sa liga at kanilang dadalhin ang pangalang Cheese Balls-Shark sa nalalapit na pagbubukas ng 2002 PBL Challenge Cup.

Ayon kay Cheese Balls-Shark owner Raul Panlilio na ipupursige nila ang kampanya ng kanilang koponan na mapanatili ang korona sa ikatlong sunod na taon sa ilalim ng bagong guro na si Jing Ruiz.

Taliwas sa mga kumalat na tsismis na ang koponan ay magdi-disbanda na sa kalagitnaan ng 2002 PBL Chairman’s Cup noong Pebrero.

"We just can’t let a good team go. We’re just happy that Regent Foods Corporation joined us in this endeavor, believing in the team’s strong chances for the PBL crown," wika ni Panlilio.

Sisimulan na ng koponan ang kanilang rebuilding para sa susunod na kumperensiya kung saan mananatili sa lineup- sina Rysal Castro, Warren Ybañez at Irvin Sotto, subalit may plano si Ruiz na haluan ang kanyang koponan ng mga mahuhusay na ex-pros mula sa MBA at mga batang talento mula naman sa NCAA at UAAP.

Sa kabila ng muling pagbabalik ng Welcoat at ang kampanyang mapanatili ng Shark ang kanilang titulo, sinabi ni PBL Deputy Commissioner Tommy Ong na lilimitahan lamang nila ang bilang ng mga koponang kalahok sa 10 lamang upang hindi masagasaan ang schedules ng ibang liga kung saan may plano rin silang magsagawa ng regional games sa Cebu at North Luzon. Pero depende ito sa budget.

vuukle comment

CHALLENGE CUP

CHEESE BALLS-SHARK

DEPUTY COMMISSIONER TOMMY ONG

IRVIN SOTTO

JING RUIZ

NORTH LUZON

RAUL PANLILIO

REGENT FOODS CORPORATION

RYSAL CASTRO

WARREN YBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with