^

PSN Palaro

Sino ang tigasin?

-
Ngayon malalaman kung sino sa mahigpit na magkaribal sa Pacific region na Guam at Saipan ang mas tigasin sa kanilang nakatakdang paghaharap para sa korona ng nasabing division sa Little League Asia-Pacific Region tournament sa Rizal Memorial Ballpark.

Nakatakdang magharap ang Guam at Saipan sa alas-9 ng umaga.

Pag-aagawan din ng Japan at Korea ang korona para sa Asia sa kani-lang nakatakdang duwelo sa alas-11 ng tanghali.

Isinara ng Japan ang one round elimination na may matingkad na impresibong record kung saan kanilang ginapi ang Korea, 12-0 sa laro kahapon.

Aasa ang Guam sa mahusay nilang pitcher na si Matthew Barcinas katulong si Christian San Miguel upang isulong ang kanilang kampanya na maisukbit ang panalo.

Subalit, inaasahan na kakayod ng husto ang Saipan sa tulong naman ng kanilang pitcher na si Kervin Babauta kasama ang catcher na si Jessie Borja, habang ang kanilang opensa ay babanderahan naman nina Martin Pangelinan, Vince Sablan at mismong si Borja.

Paborito naman ang Japan sa kanilang pagharap kontra Korea kung saan dalawang ulit nila itong pinayukod, una sa 10-1 sa first round at 12-0 sa second round.

AASA

CHRISTIAN SAN MIGUEL

JESSIE BORJA

KERVIN BABAUTA

LITTLE LEAGUE ASIA-PACIFIC REGION

MARTIN PANGELINAN

MATTHEW BARCINAS

RIZAL MEMORIAL BALLPARK

SAIPAN

VINCE SABLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with