^

PSN Palaro

Sweep ng CSB bulilyaso sa PCU

-
Ipinagkait ng Philippine Christian University sa College of Saint Benilde ang pag-sweep sa unang round ng eliminations ng NCAA men’s basketball tournament matapos ang 80-72 pamamayani kahapon sa pang-umagang aksiyon sa Rizal Memorial Coliseum.

Bukod sa dinungisan ng PCU Dolphins ang malinis na katayuan ng CSB Blazers, ang kanilang tagumpay ay nagbunga ng kanilang pag-sososyo sa liderato taglay ang 6-1 record papasok sa ikalawang round.

Pumutok sina Loreto Soriano at Alwyn Ilagan sa opensa sa paghakot ng 24 at 17-puntos, ayon sa pagkakasunod ngunit para kay PCU coach Jimmy Mariano, naging mabisa ang kanilang depensa na siyang nagpahirap sa St. Benilde.

Umabot sa 13-puntos ang kalamangan ng Dolphins kung saan ang pinakahuli ay sa 61-48 mula sa tres ni Ilagan, 1:46 na lamang ang nalalabing oras sa ikatlong quarter.

Sa ikalawang seniors game, pinayukod ng defending champion San Sebastian College ang Mapua Institute of Technology upang iangat ang kanilang record sa 4-2 win-loss slate at ipalasap naman sa Cardinals ang kanilang ikaapat na pagkatalo sa 6 laro.

Sa juniors division, nagsipagpanalo naman ang CSB Junior Blazers at SSC Staglets kontra sa PCU Baby Dolphins, 89-82 at MIT Red Robins (68-59), ayon sa pagkakasunod.

ALWYN ILAGAN

BABY DOLPHINS

COLLEGE OF SAINT BENILDE

JIMMY MARIANO

JUNIOR BLAZERS

LORETO SORIANO

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RED ROBINS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with