Tinapos ng Guam ang kanilang asignatura sa elimination round na may malinis na 5-0 win-loss slate at kanilang makakaharap ang sumesegundang Saipan na may 2-1 kartada bukas para sa korona.
Agad na humataw ang Guam ng umiskor ng unang run sa pamamagitan ni Rosario Brandon matapos na maka-single, nagnakaw sa second at third base upang tuluyang paiskorin ang first baseman na si Blaine Denton sa pagha-hangad na ma-out si Brandon ay naging wild sa pagpukol sa third base.
Samantala, maghaharap naman ang Japan at Korea ngayon para sa isang no-bearing game na ang habol na lamang ay prestihiyo.