Sweeps asam ng St. Benilde
August 2, 2002 | 12:00am
Ikapitong sunod na panalo para ma-sweep ang unang round ng eliminations ng NCAA mens basketball tournament na punumpuno ang schedule ngayong araw na ito sa Rizal Memorial Coliseum.
Ito ang tinitignan ngayon ng College of St. Benilde sa kanilang naka-takdang pakikipaglaban ngayon sa mapanganib na Philippine Christian University sa pang-umagang aksiyon sa bandang alas-10:00 ng umaga.
Maagang sisimulan ng PCU Baby Dolphins at CSB Junior Blazers ang aksiyon sa ganap na alas-8:30 ng umaga para sa anim na larong nakatakda ngayon upang ihabol ang mga nakanselang laro bunga ng nagdaang bagyong Gloria at local barangay elections.
Tinitingala ang Blazers sa tuktok ng standings bunga ng kanilang malinis na 6-0 record ngunit di naman nakakalayo ang PCU Baby Dolphins na may limang sunod na panalo na matapos mabigo sa kanilang unang asigna-tura.
Sa ikalawang seniors game, makakasagupa naman ng defending champion San Sebastian College ang Mapua sa dakong alas-2:00 ng hapon pagkatapos ng laban ng kanilang junior counterparts.
Agad naman itong susundan ng engkwentro ng Colegio de San Juan de Letran at Jose Rizal University sa bandang alas-4:00 ng hapon bago tapusin ng kanilang junior counterparts ang aksiyon sa bandang alas-6:00 ng gabi.
Ang Letran Knights at SSC Stags ay parehong may taglay na 3-2 win loss slate habang ang JRU Heavy Bombers at MIT Cardinals ay tabla naman sa 2-3 kartada.
Matapos mag-average ng 22-puntos bawat laro, anim na puntos lamang ang nagawa ni Sunday Salvacion ngunit sa tulong nina Alex Magpayo, Jan Coching, Ronald Capati at Paolo Orbeta ay nagawa nilang pasubsubin ang San Beda College na nangungulelat sanhi ng kanilang 0-6 record sa likod ng 1-5 kartada ng University of Perpetual Help Rizal. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended