^

PSN Palaro

Twice-to-beat habol ng Sta.Lucia at Coca-Cola

-
Makalapit sa bentaheng twice-to-beat ang habol ngayon ng Sta. Lucia Realty at Coca-Cola Tigers, makatuntong sa quarterfinal round naman ang hangad ng Alaska Aces habang makalapit naman sa susunod na round ang pakay ng FedEx Express.

Ito ang mga senaryo ngayon sa dalawang larong nakatakda sa Phil-Sports Arena sa Pasig sa pagpapatuloy ng umiinit na aksiyon sa PBA- Samsung Commis-sioner’s Cup.

Para lalong palakasin ang tsansa sa torneong ito, isang bagong import ang kinuha ng Tigers sa katauhan ni Torraye Braggs upang palitan sa puwesto si Bryant Basemore.

Masusukatan ng lakas ngayon ang 6’8 na si Braggs ng Tigers sa kanilang pang-alas-7:05 ng gabing laban bilang main game pagkatapos ng engkwentro ng Realtors at FedEx sa dakong alas-5:05 ng hapon.

Nakasisiguro na sa eight team quarterfinals ang Coca-Cola (5-3) at Sta. Lucia (5-2) kasama ang walang larong San Miguel Beer (5-3) at defending champion Batang Red Bull (7-1).

Ang Red Bull Thunder pa lamang ang may hawak ng isa sa apat na twice-to-beat ticket na ipagkakaloob sa top four teams patungong quarterfinal phase kung saan ang no. 1 ay haharap sa no. 8, no. 2 kontra no. 7, no. 3 laban sa no. 6 at no. 4 versus no. 5.

Ang Aces ay kasalukuyang nag-iingat ng 4-3 record kasunod ang Talk ‘N Text (4-4) habang ang FedEx at ang Shell Velocity ay tabla sa 3-4 kartada.

Mas pinapaborang manalo ngayon ang Realtors laban sa Express dahil sa kanilang taglay na four game-winning streak at ito ang nais dugtungan ng Sta. Lucia sa pangunguna nina Stephen Howard, Chris Clay at Marlou Aquino.

Inaasahang hihigitan ni Braggs ang tulong na ibinigay ni Basemore para sa Tigers na aasa rin kay Ron Hale, Johnny Abarrientos, Poch Juinio at Rafi Reavis na tatapatan naman nina Ajani Williams, Chris Carawell, John Arigo, Rob Duat, Ali Peek at EJ Feihl.

Habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang naglalaban ang Barangay Ginebra (2-6) at Turbochargers.

vuukle comment

AJANI WILLIAMS

ALASKA ACES

ALI PEEK

ANG ACES

ANG RED BULL THUNDER

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

BRAGGS

BRYANT BASEMORE

CHRIS CARAWELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with