^

PSN Palaro

MBA Players at Coaches Naghahabol

GAME NA! - Bill Velasco -
Naghahanap ngayon ng paraan ang mga naulilang manlalaro’t mga coach ng Metropolitan Basketball Association upang makolekta ang mga suweldong di nabayaran noong liga.

Habang nagpaplano ng susunod na hakbang ang namamahalang Multi-Regional Basketball, Inc. o MRBI, nag-aalangan ang ilan sa mga naging bahagi ng MBA kung kailan sila mababayaran.

Ayon sa ilang mga nakapanayam ng Pilipino Star Ngayon, inalok ang mga ibang manlalaro na bayaran na lamang ang utang sa kanilang suweldo mula Abril hanggang Hunyo. Ang ilan ay masaya na sa ganitong usapan, subalit ang iba ay nagnanais na mabayaran ang mas malaking bahagi ng kanilang mga kontrata, dahil malaking perwisyo sa kanila ang maghanap ng bagong trabaho.

Pinag-iisipan ngayon ng PBA kung magkakaroon ito ng mid-season draft para maipasok ang mga manlalarong nabakante ng MBA. Subalit inililipat lang nito ang problema sa mga kasalukuyang player ng PBA na mawawalan naman ng trabaho. Parang domino na nagtutulakan at nagtutumbahan ngayon ang mga player.

Ayon sa MBA, pinag-aaralan pa nila sa ngayon kung hanggang saan ang kanilang pananagutan sa mga manlalaro. Malabo umano ang sagutin nila ang buong kontrata ng mga ito, dahil wala nang ligang tumatakbo. At kung sakaling bumuo na lamang ng bagong grupo ang MBA, mahihirapan nang humabol ang mga player at coach.

Habang tumatagal, lalong umiinit ang situwasyon. Ilan sa mga player ang nagpasya nang magsampa ng demanda, at ang iba pa ay nag-iisip na maghain ng isang class suit kung hindi makapagbigay ng solusyon kaagad ang MRBI.

Samantala, nagtatrabaho naman ang MRBI upang mabilisang magkaroon ng solusyon ang problema. Subalit mahirap talagang maglikom ng ganoong kalaking salapi sa mga panahong ito. Bago pa gumulo ang isyu, dapat isa-isang kausapin na ng MRBI ang mga player at coach nito. Pag pinatagal pa nila ito, di na masasabi kung ano ang mangyayari. Alalahanin natin ang nangyari sa kaso ni Vince Hizon at Iloilo MegaVoltz, na hanggang ngayon ay wala pang nangyayari.

Ang isang pang problema ay saan maghahanap ng trabaho ang mga player -- karamihan padre de pamilya -- na ngayo’y wala nang hanapbuhay? 

ABRIL

ALALAHANIN

AYON

HABANG

METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION

MULTI-REGIONAL BASKETBALL

PILIPINO STAR NGAYON

SUBALIT

VINCE HIZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with