Ang panalong ito ng Blazers ang siyang higit pang nagpatibay sa kanilang kapit sa solong liderato sanhi ng impresibong 6-0 win-loss slate, habang nalasap naman ng Red Lions ang kanilang ika-anim na dikit na pagkatalo na siyang nagbaon naman sa kanila sa kulelat na katayuan.
Nakipagsabayan ang Taft-based dribblers sa malagkit na depensa ng Red Lions kung saan nanalasa naman sina Sunday Salvacion at Alex Magpayo upang trangkuhan ang Blazers sa pag-kamada ng double-double 24 puntos at 13 rebounds.
"Coach Dong (Vergeire) told me to step up, because San Beda is focusing its defense on Sunday (Salvacion). Because of that, it opened some opportunities for me and I take the shots," ani Magpayo.
Umabante ang St. Benilde ng 11 puntos sa halftime, 43-32, subalit nagawang ibaba ng San Beda ang kanilang kalamangan sa isang puntos na lamang, 68-69 mula sa jumper ni Vicente Paterno may 2:12 ang nalalabing laro sa final canto.
Pero agad ding nakabalik sa composure ang Blazers nang tumapyas naman si Salvacion ng triples upang muling ilayo ang kanilang pun-dasyon, 1:26 na lamang ang nalalabi sa tikada.
Samantala, kasalukuyang naglalaban ang Philippine Christian University at ang University of Perpetual Help-Rizal habang sinusulat ang balitang.(Ulat ni Maribeth Repizo)