Master's title ibinulsa ni Paeng

BUSAN, South Korea--Nagpamalas ang four-time World Cup champion Paeng Nepomuceno ng matikas na porma upang ibulsa ang men’s masters title ng Korea International Open Championships dito at ang kanyang performance ang nagpatatag sa katayuan ng Filipinos bilang top contenders sa bowling competitions ng nalalapit na Asian Games.

Nagpausok ang 45-anyos na Filipinong kaliwete sa linya ng Home Plus Asiad Bowling Center, ang siya ring lugar kung saan ang mga laban sa Setyembre 29-October 14 event ay dito rin mismo gaga-napin ng kabuuang 213 pinfalls upang talunin ang RP team coach Purvis Granger (182) sa all-Filipino final noong Lunes ng gabi.

Ang panalo ay nagkaloob kay Paeng ng 7,000,000M won (P.3M)na kababalik pa lamang makaraan ang kumplikadong wrist surgery dalawang taon na ang nakakaraan, habang nakuntento naman si Granger, top qualifier sa pagtatapos ng eliminations sa runner-up na nagkakahalaga ng 3.5M won (P150,000).

Nagpakita rin ng aksiyon ang mga lahok mula sa Malaysia, Singapore, Chinese-Taipei, Hong Kong, Thailand, Australia at Guam sa tournament na ito na siyang pinakamalaki at kinukunsidera na prelude ng Asiad.

Show comments