^

PSN Palaro

26th National Milo Marathon sa Lipa City

-
Dadako ang aksiyon ng karera sa Lipa City.

Matapos ang matagumpay na Metro Manila elimination run noong nakaraang linggo na humakot ng 7,000 runner, magiging punong abala naman sa susunod na regional race ng 26th National Milo Marathon sa Linggo ang Lipa City, Batangas.

Inorganisa ng Community Affairs Department sa pangunguna ni Jun Dijan at nagbigay naman ng buong suporta ang Lipa City government, isa ang nasabing event sa mga tampok na aktibidades sa pagdiriwang ng foundation month ng nasabing siyudad kung saan sina City Mayor Vilma Santos Recto ang kanyang asawa na si Senator Ralph Recto ang siyang special na panauhing pandangal.

Aabot sa 3,000 runners ang inaasahang lalahok sa Milo Marathon event na may suporta rin ng Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Ford at ng Department of Tourism bukod pa ang mga lahok mula sa iba’t ibang public at private schools at colleges sa Lipa City, Batangas City at sa mga kalapit na probinsiya gaya ng Laguna, Cavite, Quezon, Rizal at Mindoro. Ang La Corona de Lipa ang siyang local supporter ng nasabing event.

Nagpadala ang Lipa City Community School ng aabot sa 2,000 mag-aaral na tatakbo sa 3K at 5K runs na kasabay na gaganapin ng 20K qualifying race kung saan ang top three male at female finishers ang siyang pagkakalooban ng slot para sa Milo Marathon finals sa Manila sa Disyembre. Ang iba pang paaralan na nagpadala ng kanilang entries ay ang UP Los Baños.

ANG LA CORONA

BATANGAS CITY

BAYVIEW PARK HOTEL

CEBU PACIFIC

CITY

CITY MAYOR VILMA SANTOS RECTO

COMMUNITY AFFAIRS DEPARTMENT

DEPARTMENT OF TOURISM

LIPA CITY

MILO MARATHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with