Nakatakdang magharap ang CSB Blazers at SBC Red Lions sa unang seniors game ngayon ng National Collegiate Athletics Association mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum sa alas-2:00 ng hapon.
Ikaanim na sunod na panalo ang puntirya ng St. Benilde sa kanilang laban ngayon upang higit na makakawala sa kanilang mga kalaban.
Unang panalo naman ang nais matikman ng San Beda bokya sa kanilang unang limang laro sanhi ng kanilang pangungulelat.
Tulad ng Blazers, pinapaboran ding manalo ang PCU Dolphins kontra sa Perpetual Altas sa ikalawang seniors game, dakong alas-4:00 ng hapon dahil sila ang ikalawang mainit na koponan ngayon dahil sa kanilang four-game winning streak.
Di nagkakalayo ang Bedans at Altas dahil iisa pa lamang ang kanilang naipapanalong laro sa limang pakikipaglaban at ang kanilang naturang panalo ay ang kontrobersiyal na tip in ni Marcel Cuenco para sa winning basket laban sa Red Lions.
Ngunit hindi na naduplika pa ng Perpetual ang panalong ito at sa katunayan, sa kanilang huling dalawang pagkatalo, sila ay natambakan ng average na 36.5 puntos. Sa kanilang laban kontra sa Mapua, walang nakaiskor sa ikalawang quarter at may 15 minutong walang basket ang Altas.
Kasunod lamang ng Blazers ang PCU na may 4-1 win-loss record habang ang Letran at defending champion San Sebastian College ay parehong may 3-2 kartada.
Sa juniors division, magkikita naman ang SBC Red Cubs at CSB Junior Blazers sa ganap na alas-11:30 ng umaga habang ang PCU Baby Dolphins at UPHR Altalletes ay maghaharap sa alas-6:00 ng gabi.