Si Commissioner Jun B.
July 30, 2002 | 12:00am
Nakakalungkot namang isipin ang mga naglabasang balita na huling taon na ito ni Jun Bernardino, bilang commissioner ng Philippine Basketball Association.
Matagal-tagal ko na ring nakasama si Kume (tawag sa kanya) sapul pa noong 1986, nang magsimula akong maging sportwriter at siya naman ay executive director pa.
Masayang kasama at mabait na tao. Hindi namimili. Simula kasi nang maging commissioner ng PBA si Jun, naging open ang lahat ng tabloids sa kanyang opisina.
Kung baga eh, parehas ang tingin niya sa mga mamahayag. Wala siyang pakialam kung ikaw eh nagsusulat sa isang malaking broadsheet o maliit na tabloid.
Ganun siya kagaling makisama.
Kaya nang mabalitaan ko rin na huling taon na niya ngayon sa PBA eh nalungkot ako.
Dahilan ni Kume ang kanyang kalusugan.
Malaking dahilan ito para kay Kume na alam ng lahat na galing sa stroke at ilang buwan ding nagpahinga at hanggang ngayon eh sumasailalim pa rin sa theraphy.
Masyadong napi-pressure si Kume kaya imbes na mapabilis ang health condition niya eh mabagal ito.
Sino ba naman ang hindi mapi-pressure sa kanyang position lalo na ngat malapit na ang Asian Games kung saan kakatawan sa bansa ang mga piling-piling manlalaro mula sa mga PBA teams.
Hindi lang trabaho ang nagpe-pressure kay Kume kundi ang matinding pag-iisip.
Kung matutuloy man ang pagbibitiw ni Kume ( kung saan habang sinusulat ito ay pinag-uusapan pa rin ng mga Board) marami ang tiyak na manghihinayang.
Hindi makakabuti sa kanyang kalusugan ang sobrang pressure kaya marahil naisip niyang magbitiw na.
Pero sa kanyang pagbibitiw hindi niya ito basta-basta bibitawan sa ere. Tatapusin niya ang lahat ng trabaho.
Kayat nalulungkot akong isipan na iiwan na ni Kume ang PBA na naging malaking bahagi ng kanyang buhay.
Dumaan ang maraming unos sa PBA at lahat ng iyon eh nalusutan ni Kume.
Marahil, kailangan lang muna ng mas mahabang bakasyon ni Kume tulad ng pagpunta niya sa Amerika upang higit na gabayan ang kanyang kalusugan.
Siguro nga kailangan munang magpahinga ni Kume at maging malakas uli.
At kung tatanggapin man ng Board ang kanyang pagre-retiro, sana ang magiging kapalit niya bilang commissioner eh tulad ni Jun B. na hindi namimili ng mga makakasamang mamahayag. Yung magiging fair ang treatment niya mapa-tabloid ka man o broadsheet.
Sana nga!
At sa iyo Jun B. kung talagang itutuloy mo na ang balak mo eh hindi ka namin pipigilan dahil higit sa lahat kaming mga kaibigan mo ay naghahangad na mapaganda ang kalusugan mo para mas makasama ka namin ng matagal, kahit wala ka na sa PBA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am