Tumudla ang 37-anyos na si Padilla, general manager ng Spring Cooking Oil ng 189, 193 at 190 sa 150-, 20- at 10-second stages, ayon sa pagkakasunod upang wasa-kin ang 569 marka noong nakaraang October 27 noong nakaraang taon.
"I felt good throughout the competition. My timing was near perfect and I didnt feel any pressure at all," pahayag ng beteranong internationalist makaraan ang kanyang magaang na tagumpay kontra Carlos Vincent Medina na nagpatumba ng 533 at Arthur Cabinian na nagtala ng 528.
Ang tagumpay ni Tac ay kanyang iniaalay sa kanyang ama na si dating Olympian Mariano Tom Ong na siyang tumutulong sa kanyang preparasyon.
Dinomina rin ni Padilla ang kanyang dalawang paboritong events ang rapid fire pistol at center fire pistol.
Siya ay bumaril ng 572 puntos upang talunin si Medina (561) at ang kanyang kapatid na si Donald Padilla (528) sa rapid fire at 574 naman ang kanyang pinatumba upang gapiin si Gilbert Escobar (569) at Medina (557) sa center fire.
Kumulekta si Padilla ng iskor mula sa 98, 97, 96 at 8-6 at 4-seconds stages, ayon sa pagkakasunod para sa kanyang kabuuang 291 sa first round at 96, 97 at 77 para sa 281 sa second round upang kumpletuhin ang kanyang makasaysayang rapid fire performance.
At sa center fire, kumana si Padilla ng 93, 95, 95 para sa 282 sa precision at 98, 98 at 96 para sa 292.