^

PSN Palaro

Stags lusot sa Bombers

-
Natakasan ng defending champion San Sebastian College ang isang mainit na rally ng Jose Rizal University sa ikaapat na quarter upang isulong ang 83-75 panalo sa UAAP men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Limang tres ang pinakawalan ng Heavy Bombers sa ikaapat na quarter, tatlo nito ay galing kay Joel Villarin na siyang naglapit ng score sa 64-66, patungo sa huling 4:45 oras ng labanan.

Ngunit ginising ni Christian Coronel ang kanyang mga kasamahan upang pigilan ang pag-aalsa ng Jose Rizal nang kanyang ikonekta ang dalawang free-throws at sinundan ng mga krusyal na baskets nina Leomar Najorda at Roy Falcasantos na siyang naghatid sa Baste sa panigurong 78-70 kalamangan, 48 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Ito ang nagkaloob sa Baste ng kanilang ikatlong panalo matapos ang limang pakikipaglaban habang nalasap naman ng Jose Rizal ang kanilang ikatlong pagkatalo sa 5-laro.

Pinangunahan ni Coronel ang San Sebastian sa kanyang hinakot na 22-puntos na sinegundahan ni Jam Alfad sa paghakot ng 17 habang sina Pep Moore at Najorda ay may 13 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod.

Sa unang laro, naging matagumpay din ang junior counterparts ng San Sebastian na Staglets matapos nilang pasadsarin ang Light Bombers, 62-59.

CHRISTIAN CORONEL

HEAVY BOMBERS

JAM ALFAD

JOEL VILLARIN

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LEOMAR NAJORDA

LIGHT BOMBERS

PEP MOORE

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with