^

PSN Palaro

Pinoy yuko sa Saipan

-
Panibagong dagok na naman ang nalasap ng Philippines sa kanilang kampanya para sa Pacific Region championship makaraang yumukod sa Saipan, 10-5 kahapon sa pagpapatuloy ng Little League baseballl tournament sa Rizal Memorial ballpark.

Dahil sa hindi magandang performance ng Filipinos, maagang nilisan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na siyang panauhing pandangal sa opening ceremonies ang stadium matapos na kumana ang Saipan ng dalawang hits para sa tatlong runs na produksiyon sa unang inning pa lamang.

Muling nagdagdag ang Saipan ng isa pang run sa second gayundin sa third inning upang itala ang 5-0 kalamangan, pero nagawang makalapit ng Filipino batters ng sumagot ng 4-runs upang makalapit sa 5-4.

At sa sumunod na inning, umis-kor si Paolo Mallari ng double mula kay Laurel upang itabla ang iskor na siyang huling produksiyon ng Filipinos.

Lalo pang ipinahiya ng Saipan ang Philippines ng muling magkarga ng tatlo pang runs mula sa apat na hits, bago muling nagdagdag ng dalawa upang maging kampante.

Ang kasalukuyang Asia-Pacific tournament, ang siyang pinakama-laking sporting event sa kasaysayan ng Little League sa bansa na inor-ganisa ng Little League Philippines at ang City of Manila ang siyang host.

Nauna rito, kumana ang powerhouse Japan ng 4-2 panalo kontra sa Hong Kong.

Naging susi ng Japanese ang two-run homerun ni Yungi Nakame sa huling inning sa tagumpay.

CITY OF MANILA

HONG KONG

LITTLE LEAGUE

LITTLE LEAGUE PHILIPPINES

PACIFIC REGION

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PAOLO MALLARI

RIZAL MEMORIAL

SAIPAN

YUNGI NAKAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with