Pinoy Little Leaguers yuko sa Indons
July 29, 2002 | 12:00am
Hindi naging maganda ang simula ng kampanya ng host Philippines makaraang malasap agad ng Filipino Little Leaguers ang 4-0 kabiguan sa mga kamay ng Indonesia sa pagsisimula ng Asia-Pacific Regions Little League championships sa Rizal Memorial ballpark.
Taliwas naman ito sa Guam nang kanilang ilista ang impresibong 15-1 tagumpay laban sa New Zealand sa unang laro sa alas-9 ng umaga sa regulated four-inning game.
Maagang kinuha ng Indonesia na pawang mga Japanese ang siyang bumabandera sa kanilang kampanya ang isang run na kalamangan sa first inning mula sa dalawang throwing errors, isa sa short stop na sina Carlos Borromeo at first baseman Joebol de Mesa na nagbigay daan sa batter-runner na si Yudai Mori na kumana ng puntos mula sa batters plate patungong homeplate.
Sa ikalimang inning, muling nanalasa ang Indons ng humataw ng tatlo pang runs upang kumpletuhin ang kanilang panghihiya sa host country.
Tanging ang magandang performance ng Filipino ay ang makarating si Paulo Jalandoni na kumana ng single sa second base mula sa passed ball.
Ang ikalawang Filipino na nakarating sa first base si Borromeo mula sa single sa first inning at fielding error sa sixth at last inning.
Samantala, habang sinu-sulat ang balitang ito, kasalukuyan pang nakikipaglaban ang defending World Champion Japan sa Hong Kong.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended