Ang panalo ay naghatid sa tropa ni coach Luigi Trillo na makatabla sa ikatlong puwesto sa Red Warriors bunga ng kanilang magkawangis na 2-2 kartada sa likod ng lider na La Salle na may 4-0 at Ateneo (3-0) na kasalukuyang nakikipaglaban pa sa University of the Philippines habang sinusulat ang balitang ito.
Umahon ang Falcons sa second half mula sa 11-puntos na pagkakalubog nang kanilang iposte ang pinakamalaking 18-puntos na kalamangan, 64-46 may 3:46 ang nalalabi sa final period.
Ang panalong ito ang nagbigay daan din sa Falcons na maipaghiganti ang kanilang nalasap na kabiguan kontra sa University of the East noong July 21, 79-84 sa double overtime upang ibaon ang Tamaraws sa 1-3 win-loss slate.
Pinangunahan ni Edilberto Mangulabnan ang balanseng atake ng Adamson sa kanyang tinapos na 13 puntos, habang sumuporta naman sina Christian Ferrer at Mark Abadia na tumapyas ng 12 at 10-puntos, ayon sa pagkakasunod.