^

PSN Palaro

FEU Tamaraws di umubra sa Adamson Falcons

-
Pinalakas ng Adamson University ang kanilang kampanya nang itala ang 76-59 panalo kontra sa Far Eastern University sa pagpapatuloy ng 65th UAAP men’s basketball tournament sa Makati Coliseum.

Ang panalo ay naghatid sa tropa ni coach Luigi Trillo na makatabla sa ikatlong puwesto sa Red Warriors bunga ng kanilang magkawangis na 2-2 kartada sa likod ng lider na La Salle na may 4-0 at Ateneo (3-0) na kasalukuyang nakikipaglaban pa sa University of the Philippines habang sinusulat ang balitang ito.

Umahon ang Falcons sa second half mula sa 11-puntos na pagkakalubog nang kanilang iposte ang pinakamalaking 18-puntos na kalamangan, 64-46 may 3:46 ang nalalabi sa final period.

Ang panalong ito ang nagbigay daan din sa Falcons na maipaghiganti ang kanilang nalasap na kabiguan kontra sa University of the East noong July 21, 79-84 sa double overtime upang ibaon ang Tamaraws sa 1-3 win-loss slate.

Pinangunahan ni Edilberto Mangulabnan ang balanseng atake ng Adamson sa kanyang tinapos na 13 puntos, habang sumuporta naman sina Christian Ferrer at Mark Abadia na tumapyas ng 12 at 10-puntos, ayon sa pagkakasunod.

ADAMSON UNIVERSITY

CHRISTIAN FERRER

EDILBERTO MANGULABNAN

FAR EASTERN UNIVERSITY

LA SALLE

LUIGI TRILLO

MAKATI COLISEUM

MARK ABADIA

RED WARRIORS

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with