^

PSN Palaro

FedEx bagsak sa Beermen

-
Tuluy-tuloy ang improvement ng San Miguel Beer nang kanilang ilista ang impresibong 85-73 panalo kontra sa FedEx Express upang maka-siguro ang Beermen ng quarterfinals slot sa PBA Samsung Commissioners Cup na ginaganap sa Araneta Coliseum kagabi.

Ngunit wala pa ring pagbabago kay import Art Long na muli na namang gumawa ng eksena kagabi.

Inilabas na ni coach Siot Tanquincen si Long matapos nitong ma-foul si Jermaine Walker, 3:36 ang oras sa ikatlong quarter, ngunit kahit nasa bench na ito ay patuloy pa rin ito sa pagrereklamo kaya’t tinawagan ng technical foul ang bench.

Si Long, nagmulta ng P50,000 dahil sa kanyang malaking kontribusyon sa isang kaguluhan nang kanilang makalaban ang Batang Red Bull, ay nalimitahan lamang sa 6-puntos matapos maglaro ng 25-minuto lamang.

Gayunpaman, patuloy ang magandang performance na ipinapakita ng mga locals sa pangunguna nina Nick Belasco, Dorian Peña kasa-ma na rin sina Arnold Gamboa at Joey Mente na siyang dahilan ng eksplosibong laro ng Beermen kagabi.

Matapos kumawala sa ikalawang quarter, pinalobo ng San Miguel ang kanilang kalamangan sa 26-puntos sa ikaapat na quarter, 78-52 matapos ang back-to-back basket ni Dorian Peña sa kaagahan ng ikalawang quarter.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Talk ‘N Text at Batang Red Bull. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

ARANETA COLISEUM

ARNOLD GAMBOA

ART LONG

BATANG RED BULL

BEERMEN

CARMELA V

DORIAN PE

JERMAINE WALKER

JOEY MENTE

N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with