Tinalo ni Soquino si Richelle Vijandre, 6-1, 6-0 at naungusan ni Cortez si Julie Ann Sagansay, 6-4, 6-4 sa girls 12-under division ng Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids na may sanction mula sa Philta.
Nakapasok rin sina Soquino at Cortez sa quarterfinal kasama ang mga local netters Sheila Auquico na umiskor ng 6-4, 6-4 panalo kontra Angelica Napiere at Mae Joy na sumibak naman kay Lynette Bantigue, 2-6, 6-4, 7-5.
Ayon kay Philta regional VP vice mayor Rex Jalandoon na mahigit sa 80 age groupers mula sa Visayas regions ang lumahok sa tournament at panibagong 52 boys and girls ang nagpatala sa Milo beginners workshop.