Ito ang ipinahayag kahapon ni Philippine Basketball Association Commissioner Jun Bernardino hinggil sa kanyang nakatakdang pag-reretiro sa katapusan ng taong ito.
Itoy bunga ng kanyang kalusugan kung kayat minabuting sundin ni Bernardino ang bilin ng kanyang doktor na kailangan niyang magpa-hinga kung kayat minabuti na niyang magretiro sa kanyang posisyon.
Ayon kay Bernardino, inirerekomeda niya na pumalit sa kanyang posisyon ay ang kanyang deputy at executive director na si Sonny Barrios at ito ay nakatakda niyang talakayin bukas sa PBA Board sa kanilang pulong bukas sa Edsa Shangri-La Plaza.
Pinabulaan din ni Bernardino ang ilang maling balita na lilisanin niya ang liga sa kalagitnaan ng season at ayon sa kanya, marami pa siyang mga hindi natatapos na trabaho kung saan isa na rito ang kampanya ng bansa para muling maibalik ang ningning ng basketball sa Asian Games sa Busan, Korea.
Si Bernardino ang siyang tatayong team manager ng koponan sa quadrennial meet.
Nakatakdang umalis si Bernardino patungong New York sa kalagitnaan ng buwan ng Agosto para sa kanyang theraphy program at tutungo ng Indianapolis para sa World Basketball Championship bago magbalik sa bansa para sumapi sa RP delegation sa Busan, Korea.