UPHR Altas di umubra sa CSB Blazers
July 27, 2002 | 12:00am
Muling nagpamalas ng eksplosibong laro si Sunday Salvacion upang ihatid ang College of Saint Benilde sa impresibong 82-50 panalo kontra sa University of Perpetual Help Rizal sa pagpapatuloy ng NCAA mens basketball eliminations sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Matapos umiskor ng 37-puntos sa kanilang 86-72 panalo kontra Letran, muling humataw si Salvacion sa paghakot ng 25-puntos upang isulong ang CSB Blazers sa ikalimang sunod na panalo na la-long nagpahigpit ng kanilang kapit sa solong pamumuno.
Katulong ni Salvacion na mayroon ding 12-rebounds, 4-assists at 4-steals ay si Ronald Capati na tumapos din ng 20 puntos para sa St. Benilde na nagpalasap ng ikaapat na sunod na pagkatalo sa UPHR Altas na lalong nabaon sa 1-4 record.
Umiskor si Salvacion ng 11-puntos sa isang krusyal na 21-8 run sa ikalawang quarter na kinatampukan ng dalawang tres upang iposte ng Blazers ang 29-15 pangunguna, 4:55 na lamang ang nalalabing oras sa ikalawang quarter.
Sa unang laro, naging matagumpay din ang junior counterparts ng Saint Benilde na La Salle Greenhills nang kanilang pasadsarin ang UPHR Altalletes, 106-47. (Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am