Finals ng Philippine International Darts Open mapapanood sa RPN-9

Ang finals ng men’s at women’s singles events ng katatapos na 11th Philippine International Darts Open na idinaos sa Waterfront Hotel sa Lahug, Cebu City ay mapapanood ngayong alas-11 ng umaga sa RPN-Channel 9.

Tinalo ni Dixie Ybañez ng Winmau-CTFC ang Singaporean na si Lee Choon Peng, 6-0 sa best-of-11 finals upang mapanalunan ang kanyang kauna-unahang PIDO Men’s singles title.

Sa ladies division, nagwagi naman si Janjan Hinojales ng Robson-Phils., kontra Edna Granada ng Tumboquero, 4-1 sa best-of-seven finals.

Ang kampeonato sa Open doubles (Draw) ng torneong inisponsoran ng PAGCOR, PCSO, DOT, Waterfront Hotel at Puma Darts and Dartboards ay sinungkit nina Jon Cordero ng Teron Craf at Oliver Ordena ng Baguio City na nagwagi kontra Johnson Oblades at Ricky Mijares sa Finals.

Sina Lee at Malaysian Ravi Sandinar ang nanalo sa Open Doubles (Fixed) kung saan tinalo nila ang local darters na sina Joseph Dumanais ng Unicorn at Mon Oliveros ng (CTFC).

Show comments