Exciting!
Abay maraming napatunganga sa kanyang paglipad na animoy si Superman dahil sa kanyang vertical leap na 40 inches. Kumbagay sulit ang panonood sa kanya kaysa sa kanyang pinalitang si Gabe Muoneke.
Siyempre, ikinumpara kaagad si Rosegreen kay Derrick Brown na siyang Best Import awardee ng nakaraang Samsung-PBA Governers Cup na napanalunan ng Hotdogs.
Pero wala ring nangyari sa pagpapalit na ginawa ng Hotdogs dahil nalasap nila ang kanilang ikaanim na pagkatalo sa pitong laro nang payukurin sila ng FedEx, 85-76 noong Huwebes. Dahil doon ay numipis ang tsansa ng Hotdogs na makaabot man lamang sa quarterfinal round ng Samsung-PBA Commissioners Cup.
Sa tutoo lang, isang tulad ni Brown ang gustong makuhang import ng Purefoods. Iba kasi ang naibibigay ni Brown sa Hotdogs. Bukod sa puwedeng kumuha ng rebounds ay sari-saring tira ang puwede nitong gawin. Puwedeng sa shaded area manggaling ang kanyang puntos. Puwedeng sa three-point area. Ika ngay hindi siya puwedeng iwanang bukas dahil susunugin niya ang kalaban.
Hindi ganoon si Rosegreen.
Bagamat 62 lang ang height ni Rosegreen ay mahilig siyang maglaro sa shaded area. Mas ninanais pa niyang makatunggali ang mas malalaking kalaban.
Oo, sa umpisa ng laroy puwedeng kayanin niya ang mga ito dahil sa mataas pa ang kanyang energy level, pero kung lalaro siya ng 40 minuto, natural na mapapagod siya at manlalambot. Kaya naman sa dakong huliy tiyak na mahihirapan na siyang makagalaw sa shaded area. Hindi na siya makapag-ambag nang maayos sa kanyang koponan.
At itoy kitang-kita noong Huwebes.
Dahil sa kapos ang repertoire ni Rosegreen, hindi na siya naging effective nang mapagod siya. Hindi na niya maiangat ang bola at ilang beses siyang lumagabag dahil sa napag-tulungan siya nang husto ng mga tulad nina Frantz Pierre-Louis at Jerry Codiñera.
Ang masakit dooy pilit pa rin siya nang pilit sa loob at ayaw niyang tumira sa labas kahit na iniiwan siyang bukas ng kalaban. Hindi tuloy siya nagiging threat dahil sa nagkukulampol lang ang malalaking players ng FedEx sa shaded area kung saan inaasahan na ang kanyang mga drives.
Abay madaling madepensahan si Rosegreen at tiyak na ito ang pagtutuunan ng pansin ng iba pang makakalaban ng Hotdogs sa elims.
Kaya naman masasabi na nating hindi matututong tumira sa labas si Rosegreen, malamang sa lamang na mapag-iwanan ang Hotdogs at tuluyang ma-eliminate.
Sayang!
Kahit na anong klase pang excitement ang dala ni Rosegreen, tiyak na mababalewala lang ito.
Tsk, tsk, tsk...bawi na lang sa third conference ang Hotdogs kung kailan magbabalik sina Andy Seigle, Noy Castillo at Boyet Fernandez.